Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

May iba pang mga paraan maliban sa Arbitration

(GMT+08:00) 2013-08-05 20:32:19       CRI

MGA DALUBHASA, DUMALO SA TAPATAN SA ARISTOCRAT. Naniniwala si dating Senador Leticia Ramos Shahani (gitna) na dapat maliwanag ang foreign policy ng Pilipinas. Dumating din sina UP Prof. Jay Batongbacal (naka t-shirt) at Ateneo Prof. Richard Haydarian (dulong kanan). Nasa kanan ni Senador Shahani si Chito Sta. Romana ng ABC Beijing.

MARAMI pang pagkakataon ang nasa kamay ng Pilipinas upang maayos ang 'di pagkakaunawaan sa bansang Tsina hinggil sa isyu ng South China Sea na tinatawag ngayon ng ilang media na West Philippine Sea.

Ito ang pananaw ng halos lahat ng resource persons na dumalo sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. Naging panauhin sina dating Senador Leticia Ramos Shahani, ang nakababatang kapatid ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ang dating senador ay naging Chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations. Dumalo rin sina UP Professor Jay Batongbacal at Ateneo de Manila Professor Richard Javad Heydarian. Isa ring nagbahagi ng kanyang pananaw ay si Chito Sta. Romana na matagal na naglingkod na ABC Bureau Chief sa Beijing.

Sinabi ni Senador Shahani na nararapat maging malinaw ang foreign policy ng pamahalaan at ito ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ehekutibo, lehislatura at maging hudikatura.

Sa panig ni Professor Batongbacal, ipinaliwanag niyang kumplikado ang situasyon sa South China Sea sapagkat mayroong mga pulong kinalalagyan ang mga Pilipino, mga Tsino at mga Taiwanes. Mula noong lumagda ang Tsina sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS, taong 2006 lamang sila nagsabi na mayroon silang pag-aagam-agam o pagdadalawang-isip sa buong nilalaman nito.

Para kay Professor Heydarian, tapos na ang panahon ng mga superpower tulad ng Amerika at nagsisimula ng umangat ang ibang mga bansa tulad ng Brazil, India, China at South Africa. At lahat ng bansa'y nais magkalakal. Tapos na ang panahon ng pakikidigma at ngayo'y panahon ng diplomasya.

Ipinaliwanag naman ni G. Chito Sta. Romana na bukod sa arbitration na tinahak ng Pilipinas, may mga pagkakataon pa rin upang makadaupang palad ang Tsina tulad ng mga pang-rehiyon at pangdaigdigang mga pagpupulong. Inihalimbawa niya ang nakatakdang ASEAN Senior Officials' Meeting mula ika-8 hanggang 12 ng Setyembre sa Brunei Darusalam, ang ASEAN-China Expo sa Nanning, Tsina, sa Oktubre, ang 23rd ASEAN Summit Meeting sa Brunei sa unang Linggo ng Oktubre at ang nakatakdang APEC Summit sa Indonesia.

Ang mga pagkakataong ito'y maganda upang magkaharap at magkakilanlan sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Chinese leader Xi Jinping. Binigyang pansin ni G. Sta. Romana na anuman ang kalabasan ng arbitration ay mauuwi pa rin sa bilateral discussions mga isyung bumabalot sa South China Sea.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>