|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
300 gramo ng sibuyas
50 gramo ng lean meat
2 gramo ng asin
1 gramo ng vetsin
8 gramo ng toyo
10 gramo ng asukal
30 gramo ng tubig
100 gramo ng cooking oil
20 gramo ng mixture of cornstarch and water
3 gramo ng cooking wine
Paraan ng Pagluluto
Alisan ng balat ang sibuyas tapos gayatin. Hiwa-hiwain din ang
karne bago lagyan ng asin at buhusan ng cooking wine at mixture of
cornstarch and water.Haluing mabuti pagkatapos.
Mag-init ng cooking oil sa temperaturang 180-200 degrees
centigrade. Igisa ang karne sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Hanguin at
patuluin.
Mag-iwan ng 50 gramo ng mantika sa kawali. Ilagay ang ginayat na
sibuyas at igisa. Buhusan ng tubig at toyo at lagyan ng asin, vetsin at asukal
tapos pakuluin. Buhusan ng mixture of cornstarch and water para lumapot.
Ilagay ang mga piraso ng karne at haluin. Isalin sa plato at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |