|
||||||||
|
||
Pagbabawal ng paninirahan sa ilalim ng tulay, ipatutupad na
SA kakaibang balita, nanawagan si Department of Public Works and Highways Secretary Rogelio L. Singson sa mga pamahalaang lokal na tiyaking ligtas ang mga pagawaing bayan mula sa mga tulay hanggang sa mga lansangan.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Singson na malaki ang papel ng mga barangay upang tawagan ang mga walang tahanang nakatira sa ilalim na tulay at mga estero.
Kamakailan, isang sunog ang naganap sa Quiapo dahilan sa mga barung-barong na nasa ilalim ng Quezon Bridge. Napilitan ang mga taga-DPWH na limitahan ang mga sasakyang daraan sa tulay hanggang sa 10 tonelada na lamang upang huwag magiba ang pagawaing-bayan.
Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Bureau of Design at ng DPWH – National Capital Region, nabaluktok ang mga bakal na nasa tatlong bahagi ng tulay.
Isasaayos kaagad ang napinsalang bahagi ng tulay, ayon pa kay Singson.
Nilinis na rin ang mga barung-barong sa ilalim ng Marcos Bridge sa Cagayan de Oro City. Problemado ang mga biyahero sa madalas na pagtawid ng mga naninirahan sa ilalim ng tulay.
Pugad ng mga walang tahanan ang ilalim ng tulay kaya't karaniwan na ang pagluluto at pagtatayo ng commercial establishments sa tulay. Binuwag na ang may 64 na illegal settlers at kanilang mga tindahan upang mapangalagaan ang tulay.
Karaniwang matatagpuan ang mga walang tahanan sa ilalim ng mga tulay at pagawaing-bayan sa Pilipinas kahit pa nakamtan ang 7.2% growth sa Gross Domestic Product noong 2013.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |