Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi patas ang EDCA, CENPEG

(GMT+08:00) 2014-05-07 18:47:35       CRI

 

Hindi patas ang EDCA, CENPEG

NAGKUKUBLI sa mga katagang "enhanced defense cooperation" ang EDCA ay isang paraan upang magkaroon ng base-militar ang Estados Unidos sa Pilipinas ng higit na malawak kaysa nilalaman ng 1947 Military Bases Agreement.

Ito ang lumabas sa pagsusuri ng Center for People Empowerment in Governance sa ilalim ng kanilang Policy Study, Publication and Advocacy kahapon.

Ayon sa CENPEG, sa ilalim ng kasunduang nilagdaan nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador Philip Goldberg ilang oras bago lumapag ang eroplano ni Pangulong Barack Obama noong ika-28 ng Abril, makapag-iimbak ang Amerika ng kagamitang militar, iba pang supplies at kagamitan sa mga kampo ng Armed Forces of the Philippines.

Magkakaroon din sila ng operational control at magagamit ang mga paliparan, daungan at mga lansangan at iba pang mga pook sa iba't ibang barangay. Makapagtatayo rin sila ng mga gusali at iba pang kailangang pagawain-bayan sa mapapagkasunduang mga lugar sa Pilipinas.

Maaaring humigit pa sa sampung taon ang buhay ng kasunduan at hindi gagastos ang Estados Unidos ng salapi sa pagtatayo ng mga pasilidad maliban sa mga operasyong gagawin kung walang katiyakang magtatagal pa sila sa bansa. Masasaklaw ng kasunduan ang mga karagatan sa paligid ng Pilipinas.

Idinagdag ng CENPEG na ang kasunduan ang nagpapatibay sa pananatili ng America sa Pilipinas at sa rehiyon. Maihahambing din ang nilalaman ng kasunduan sa pagkakaroon ng kanilang mga base-militar sa Pilipinas.

Kung mayroon silang operational control, tiyak na maihahambing ito sa pagkakaroon ng sariling base-militar. Malaya silang makagagalaw sa loob ng mga kampo ng AFP. Inihalimbawa ng CENPEG ang US Joint Special Operations Task Force-Philippines facility na ginagamit sa pang-eespiya, psychological operations at iba pang patagong operasyon ng Estados Unidos, partikular ng U. S. Special Forces sa loob ng Camp Navarro sa Zamboanga City mula pa noong 2003.

May 500 mga kawal Amerikano sa pasilidad. Kailangang humingi pa ng pahintulot ang mga Pilipinong militar sa mga Amerikano upang makapasok sa high-security base. Binanggit na sa mga dokumento ng Pentagon a ang mga ito ay "forward o advance operating bases."

Sinuri din ng CENPEG kung mayroong basehan na gamitin ang 1951 Mutual Defense Treat sa pagitan ng Pilipinas at Amerika upang magkaroon ng EDCA. Ang Mutual Defense Treaty ay nag-ugat sa cold war at pinaniwala ang mga Pilipino na may panganib na mula sa ibang bansa laban sa Pilipinas at Amerika ng mga Ruso, mula sa Tsina at sa Hilagang Korea na nagpadala ng mga kawal sa Timog Korea.

Wala namang napipintong pananalakay sa alinmang bansa sa paligid ng PIlipinas, dagdag pa ng CENPEG.

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>