Marian Exhibit, idaraos sa Paranaque
ISANG tinaguriang "Grand Marian Exhibit" ang gagawin sa National Shrine ng Mary, Help of Christians sa Lungsod ng Paranaque mula ika-15 hanggang ika-22 ng Mayo.
Ayon kay Bb. Belen Bauza ng shrine, kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-40 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng simbahan at parokya sa ika-24 ng Mayo.
May 60 mga imahen ng Mahal na Birhen mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas ang tampok sa exhibit. Pagkatapos ng Misa sa ganap na ika-anim at kalahati ng gabi ng ika-15 ng Mayo, pasisinayaan ang exhibit.
Tampok sa exhibit ang mga imahen ng Our Lady of Guadalupe, Fatima, Lourdes, Abandoned, Most Holy Rosary, Porta Vaga, La Naval, Mother of Perpetual Help at Immaculate Conception at iba pa. Kasama rin ang imahen ng Mary Help of Christians, dagdag pa ni Bb. Bauza.
1 2