Exports ng Pilipinas, lumago ng 11.2%
IBINALITA ni NEDA Director General Arsenio M. Balisacan na nagkaroon ng positibong pag-unlad ang merchandise exports noong nakalipas na Marso 2014 at umabot ito sa 11.2%. Ito ang ikalawang sunod na buwan ng double-digit growth matapos ang revised figure na 11.6% noong Abril.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang total export reciets ay umabot sa US$ 5.2 bilyon noong Marso mula sa US$ 4.7 bilyon dahilan sa bente ng mga gawa sa Pilipinas ng produkto, agro-based, forest at mineral products.
Idinagdag ni Kalihim Balisacan na malaking bahagi nito ang manufactures sa export growth. May 84.5% ng total merchandise exports at nangangahulugan na nagaganap ito dahilan sa matatag na paglago ng pandaigdigang manufacturing activity.
Sa ulat ng PSA, ang export earnings mula sa manufactured goods ay umabot sa US $ 4.4 bilyon at tumaas ng 13.5% mula sa US$ 3.9 bilyon noong Marso, 2013.
1 2 3 4