|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Plan International, tutulong sa civil registry concerns
MAKIKIPAGTULUNGAN ang mga tauhan ng Plan International sa mga kawani ng iba't ibang pamahalaang lokal upang matiyak na marerehistro ang lahat ng mga mamayan sa mga apektadong pook ni "Yolanda."
Ayon kay Carin van der Hor kumakatawan sa Plan International sa Pilipinas, mahalaga ang pagpaparehistro ng mga mamamayan sapagkat bukod sa pagkilala sa karapatan ng mga mamamayang mapabilang sa talaan ng bayan, ito rin ang magiging proteksyon sa kanila laban sa human trafficking at kawalan ng identity.
Naniniwala din si Bb. Van der Hor na wala na sa kanilang mandate ang paghahanap ng tunay na bilang ng mga nasawi. Obligasyon na umano ito ng pamahalaan.
Mahirap na umanong mabatid kung ano ang tunay na bilang ng mga nasawi kahit pa may mga natatagpuan pang nasawi sa Tacloban City.
Kasama niya ang mga kinatawan ng iba pang humanitarian agencies na kabalikat ng pamahalaan sa pagtulong sa mga biktima ni "Yolanda" sa iba't ibang lalawigan.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |