|
||||||||
|
||
Mahalagang naalis ang Pilipinas sa talaan ng US Trade Representative
SINABI ni Trade Undersecretary Adrian Cristobal na mahalagang nawala sa talaan ng US Trade Representative ang Pilipinas sapagkat nangangahulugan ito na handa na ang bansang makipagkalakal sa daigdig.
Napapanahon ang pangyayaring ito sapagkat madalas na pinag-uusapan ang Pilipinas sa mga pagtitipon sa iba't ibang bansa lalo pa't nasa pinakamasiglang rehiyon sa daigdig. Isang "emerging tiger" ang Pilipinas sapagkat nakikita naman sa mga pinakahuling economic indicators at patuloy na sisigla ang ekonomiya sa mga susunod na panahon.
Nananatiling mababa at kaya ng ekonomiya ang kasalukuyang inflation rate. Nakatanggap din ng magandang upgrade sa rating agencies. Payapa ang daigdig ng paggawa sapagkat dadalaw ang naganap na welga ng mga manggagawa noong nakalipas na taon.
Idinagdag pa niya na tumataas umano ang labor costs sa Vietnam at Tsina samantalang nahaharap sa krisis ang Thailand. Sumisiglang muli ang manufacturing sector sa Pilipinas. Tapos na ang imahen ng Pilipinas bilang "sick man of Asia" sapagkat isa na itong "emerging economy."
Lumalakas ang intellectual property rights at napapanahon ang pagkakaalis ng Pilipinas sa talaan ng mga 'di kumikilala sa intellectual property rights. Naganap ito dahilan sa higit sa sampung taong pagpupunyadi sa ilalim nina Emma Francisco at Ric Blancaflor, na naglilingkod sa Intellectual Property Office Philippines.
Ani Undersecratary Cristobal, ang malaking bagay ang intellectual property rights sa nalalapit na economic integration sa ASEAN.
Magandang pangyayari ito sapagkat matatagpuan ang may 616 na milyong mamamayan sa Association of Southeast Asian Nations. Higit na magiging maganda ang negosasyon sa European Union para sa free trade agreements at maging sa Trans Pacific Partnership.
Sa pagkakaalis ng Pilipinas sa talaan ng US Trade Representative, tataas ang pamantayan ng Pilipinas.
Bago siya nagtapos sa kanyang talumpati, nanawagan si Undersecretary Cristobal na kailangang maging maingat ang mga negosyanteng Pilipino sa paggamit ng kung anu-anong pangalan sa kanilang mga produkto. Inihalimawa niya ang walang pakindangang paggamit ng banyagang kataga na mayroong ibang mga kahulugan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |