|
||||||||
|
||
Obispo, nababahala sa kalagayan ng mga katutubo
MGA KATUTUBO NANGANGAMBA. Ito ang pananaw ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo sa panayam ng CBCP Online Radio kanina. Ang Obispo, hanggang hindi nakikita ng mga katutubo ang Bangsamoro Basic Law, nangangamba silang maiiwana na naman sila. (CPCP Media Office).
MAY sapat na dahilan upang mangamba ang mga katutubo sa isinagawang Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo, nararapat na makasama ang mga katutubo sa anumang batas na pinapanday ngayon ng pamahalaan. Sa panayam kanina kay Bishop Bagaforo, may sapat ding karapatan ang mga katutubo na naninirahan sa mga pook na masasaklaw ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front.
Kasama ang mga katutubo sa mga naunang pag-uusap tungkol sa batas na sasaklaw sa lupain at political entity na pinangalanang Bangsamoro, ang kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nababahala ang mga katutubo o indigenous people sapagkat hindi na naipatupad ang Indigenous People's Rights Act sa mga pook na saklaw ng ARMM kaya't nangangamba silang hindi rin ito maipatutupad sa bagong set-up.
Idinagdag ni Bishop Bagaforo na bagama't narinig sa panig ng mga MILF at ng mga nasa pamahalaan na "inclusive" ang gagawing kalakaran, hanggang hindi nababasa ng mga katutubo ang panukalang batas na kilala sa pangalang Bangsamoro Basic Law, hindi sila mapapanatag.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |