|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
425 gramo ng straw mushrooms na nasa lata
75 gramo ng sariwa o nasa latang crabmeat
250 gramo ng litsugas o lettuce
2 kutsarita ng cooking oil
3/4 na tasa ng sabaw ng manok
1/2 kutsarita ng light soya sauce
Vetsin
1 pirot ng asukal
1/4 na kutsarita ng sesame oil
Puting paminta, ayon sa panlasa
3 kutsarita ng corn flour na hinaluan ng
1/4 na tasa ng tubig
Paraan ng Pagluluto
Patuluin ang straw mushrooms at hatiin nang pahaba sa dalawa. Tiklapin o i-flake ang crabmeat tapos itabi muna.
Ihulog ang dahon ng litsugas sa kaserola na may lamang maalat na tubig na may kaunting cooking oil at iluto sa loob lamang ng 2 minuto. Hanguin at patuluin bago isalin sa serving dish.
Initin ang mantika sa kawali at igisa ang mushrooms sa mababang temperatura sa loob ng 1 minuto. Isama ang lahat ng mga iba pang sahog liban sa mixture of cornflour and water at crabmeat at ilaga sa loob ng 3 minuto. Ihalo ang crabmeat at palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng cornflour mixture. Ilagay sa ibabaw ang dahon ng litsugas at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |