|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
250 gramo ng mung bean sprouts o toge
2 kutsara ng cooking oil
1 clove (butil) ng bawang, dinikdik nang bahagya
4 na gayat ng sariwang luya
1 kutsarita ng light soya sauce
1/4 na kutsarita ng asin
2 spring onions o sibuyas na mura, hiniwa sa habang 2.5 sentimetro (centimeters)
Paraan ng Pagluluto
Hugasan ang mung bean sprout o toge. Patuluing mabuti at tanggalin yong mga buntot na kulay brown at hindi maganda ang tubo.
Initin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang hanggang sa magkulay brown tapos alisin. Doon mismo sa cooking oil na pinaggisahan ng bawang, igisa ang mung bean sprouts kasabay ng luya sa mataas na temperature sa loob ng 1 minuto. Huwag kalimutang bali-baligtarin habang iginigisa. Ilagay ang soy sauce, asin at spring onion at ituloy ang paggigisa sa loob pa ng 1 minuto. Pagkaraan niyan, mapupuna ninyo na malutung-lutong pa ang bean sprouts at iyan ang tamang oras para isilbi ang inyong niluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |