|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 gramo ng salted cabbage (nasa lata)
4 na tasa o mangkok ng sabaw mula sa ilang parte ng pato
1-2 chicken stock cubes (opsiyonal)
1 malaking kamatis na hiniwa nang patrianggulo (wedge-shaped)
Puting paminta
Paraan ng Pagluluto
Ibabad ang salted cabbage sa malamig na tubig sa loob ng isang oras. Palitan ang tubig ng 2 hanggang 3 ulit habang ibinababad. Pagkaraan, hanguin ang cabbage at pigain para lumabas ang moisture. Hugasan sa running water tapos pigain uli at pagkatapos tadtarin.
Ilaga ang cabbage sa sabaw ng pato sa loob ng 15-30 minuto. Kung kulang pa sa lasa, idagdag ang chicken cubes. Ihulog ang kamatis at ilaga sa loob pa ng 5 minuto. Lagyan ng puting paminta bago i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |