|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 gramo ng pork fillet o boneless loin (isang buong piraso)
2 cloves ng bawang (dinikdik)
1 kutsara ng liquid honey
1 kutsara ng light soya sauce
2 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry
1 kutsarita ng tomato sauce
1/2 kutsarita ng five-spice powder
Isang pirot ng powdered ginger
Red food coloring (optional)
Paraan ng Pagluluto
Hiwain nang pahaba (strips) ang karne. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at i-marinate dito ang karne sa loob ng di-kukulangin sa 2 oras. Baligtarin paminsan-minsan.
Ilagay ang karne sa roasting rack na pinahiran ng mantika at iihaw sa temperaturang 230 degrees centigrade o 450 degrees fahrenheit. Habang iniihaw, buhusan ang mga piraso ng karne ng marinade tuwing 15 minuto. Hayaang lumamig nang kaunti pagkaluto. Hiwain nang maninipis habang isinisilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |