|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 gramo ng fish balls
1 kutsara ng cooking oil
2 cloves ng bawang (tinadtad)
4 na tasa ng isda o malabnaw na sabaw ng manok
Asin at paminta ayon sa panlasa
4 na lettuce leaves (hinati sa gitna)
60 gramo ng cellophane noodles
Para sa Garnish
prinitong onion flakes
murang dahon ng celery
sariwang red chilli (ginayat)
sariwang dahon ng coriander
Paraan ng Pagluluto
(Kung gagawa ng sariling fish balls, huwag itatapon ang tinik at ulo ng isda. Gamitin ang mga ito sa paggawa ng sabaw.)
Initin ang mantika sa kawali at bahagyang igisa ang bawang hanggang sa magkulay light brown. Ilagay ang sabaw, asin at paminta tapos hintaying kumulo. Pagkulo, ihulog ang fish balls at ilaga sa loob ng 10 minuto. Pagkaluto, ilagay ang lettuce leaves at noodles. Ituloy pa ang pagluluto sa loob ng mga 30 segundo. Pagkaraan, puwede nang isilbi. Lagyan ng garnishing ayon sa panlasa bago isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |