|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 gramo ng white fish fillets o steaks
1/2 tasa ng cooking oil
2 gayat ng sariwang luya
1 clove ng garlic
1 sariwang red chilli (inalisan ng buto)
1 katamtamang laking red o brown onion (ginayat)
2 kutsarita ng salted soya beans (dinikdik nang kaunti)
1 kutsarita ng asukal
1 kutsarita ng light soy sauce
1/2 tasa ng tubig
1/4 na kutsarita ng asin
Paraan ng Pagluluto
Hugasan at patuluin ang isda.
Mag-init ng mantika sa kawali at paunti-unting iprito sa loob ng 1 minuto bawat side. Hanguin at patuluin. Alisin ang mantika sa kawali pero magtira ng isang kutsarita.
Magkakasamang dikdikin ang luya, bawang at chilli. Initin ang mantika at igisa ang ginayat na sibuyas sa loob ng 2 minuto tapos isama ang dinikdik na spices at ituloy ang paggisa sa loob pa ng 2-3 minuto. Siguruhin na hindi magkukulay brown ang iginigisa. Ilagay ang salted soya beans at igisa sa loob ng 1 minuto. Isunod ang asukal, soya sauce, tubig at asin at ilaga sa loob ng 2 minuto. Ilagay ang isda at ilaga sa mahinang apoy hanggang sa maluto. Baligtaring paminsan-minsan habang inilalaga. Dapat ang matitirang likido ay maging isang kutsarita ng malapot na sabaw.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |