|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1 kilogramo ng chicken wings
1 kutsara ng malapot na black soy sauce
1 kutsara ng malabnaw na soy sauce
4 na sentimetro ng sariwang luya, dinikdik
1 kutsara ng Chinese rice wine o dry sherry
1 kutsara ng liquid honey
1 kutsarita ng five-spice powder
Paraan ng Pagluluto
Pagsamasamahin ang lahat ng mga iba pang sangkap sa isang malaking mangkok o bowl.
Ilagay ang chicken wings at i-marinate sa loob ng hindi kukulangin sa dalawang oras (siyempre, mas matagal ang pagkaka-marinate mas masarap). Pagkaraan niyan, puwede ninyong i-deep-fry sa mainit na mantika o pahiran ng mantika at i-grill o kung hindi naman, i-barbecue. Iyong mga iba naman, pagkaraang ma-marinate, binabalot ng plastic at inilalagay sa freezer para anytime na kailanganin nila idi-defrost na lang at iluluto sa paraang gusto nila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |