|
||||||||
|
||
Mga Pangunahing Sangkap
500 gramo ng white fish fillets
Asin at paminta
1 itlog, binati
3 kutsara ng harina
Cooking oil para sa pagpiprito
Sariwang mga dahon ng coriander para sa garnish
Para sa Sauce
4-6 na pulang sili o red chillies
4 na butil o cloves ng bawang
3 gayat ng sariwang luya
2 kutsara ng cooking oil
4 na malalaki at hinog na kamatis, tinalupan at ginayat nang manipis
2 kutsara ng tomato sauce
1/2 tasa ng tubig
2 kutsara ng suka
2 kutsara ng light soya sauce
2 kutsara ng asukal
1 kutsarita ng asin
2 kutsarita ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Una, ihanda ang sauce. Tadtarin nang pino ang sili, bawang at luya. Mag-init ng mantika sa kawali at, sa mahinang apoy, igisa ang mga tinadtad na sangkap sa loob ng 3-4 na minuto. Isunod ang mga kamatis at ituloy ang paggisa hanggang maging masa. Ihalo ang lahat ng mga iba pang sangkap liban sa mixture of cornstarch and water. Pakuluin sa loob ng ilang minuto tapos idagdag ang mixture of cornstarch and water para lumapot.
Patuluin ang fish fillets. Budburan ng asin at paminta tapos ilubog sa itlog at sa harina. Ipagpag ang labis na harina at iprito sa maraming mantika. Bago isilbi, ibuhos ang sauce at lagyan ng coriander bilang garnish.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |