|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
6 na pinatuyong black mushrooms
1 kutsarang langis na panluto
1 clove ng garlic, dinikdik nang bahagya
1 malaking piraso ng bamboo shoot na tumitimbang ng humigit-kumulang 125 grams
280 grams ng snow peas
Kalahating kutsarita ng asin
Kalahating kutsarita ng asukal
1 pirot ng vetsin
Paraan ng Pagluluto
Hugasan ang mushrooms at ibabad sa mainit na tubig sa loob ng 30 minuto. Hanguin sa tubig pero huwag itatapon ang tubig na pinagbabaran. Tanggalan ng tangkay ang mushrooms at hatiin sa dalawa ang mushroom caps.
Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang garlic hanggang sa magkulay brown. Tanggalin ang garlic tapos dagdagan ang apoy. Igisa ang mushrooms sa loob ng ilang segundo tapos isunod ang hiniwa-hiwang bamboo shoot at ituloy ang paggisa sa loob ng ilang segundo. Ihulog ang snow peas tapos ituloy ang paggisa sa loob pa ng 1 hanggang 2 minuto. Buhusan ng 4 na kutsara ng likidong pinagbabaran ng mushrooms. Budburan ng asin, asukal at vetsin at ituloy ang pagluto sa loob pa ng 2 minuto. Huwag kalimutang halu-haluin. Patayin ang apoy pagsingaw ng likido at habang matigas pa ang mga gulay. Isilbi habang mainit.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |