|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
750 grams ng beef ribs
1 kutsara ng salted black beans
2 cloves ng bawang, tinadtad
2 kutsarita ng light soya sauce
1 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry
1 kutsara ng mantika o cooking oil
1/2 kutsarita ng asukal
Paraan ng Pagluluto
Hiwain ang ribs sa habang 5 centimeters at lapad na 2.5 centimeters. Kung ang gagamitin ay dried salted beans, ibabad muna sa tubig sa loob ng 5 minuto tapos pigain para matanggal iyong sobrang tubig. Kung ang gagamitin naman ay canned black beans, hugasan at patuluin. Ligisin ang black beans tapos samahan ng bawang bago buhusan ng soya sauce at wine.
Initin ang mantika sa kawali tapos iprito ang ribs hanggang magkulay brown. Idagdag ang lahat ng mga iba pang ingredients at ituloy ang pagpiprito sa loob pa ng 2-3 minuto. Dalasan din ang paghahalo habang ipiniprito.
Lagyan ng tubig na ang dami ay sapat lamang para lumubog lahat
ng ribs. Takpan ang kawali at ilaga hanggang sa lumambot ang karne.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |