|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 grams ng shin beef (isang buong piraso)
1/2 tasa ng light soya sauce
2 gayat ng sariwang luya
1 piraso ng star anise
5 centimeters ng stick cinnamon
1 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry
1 kutsarita ng sesame oil
Paraan ng Pagluluto
Ilagay ang karne sa kaserola na tama lang ang laki para magkasya ito. Buhusan ang kaserola ng tubig na sapat lamang ang dami para lumubog ang karne. Pakuluan ang karne tapos alisin ang lahat ng sebo na lulutang sa ibabaw ng tubig. Ilagay ang lahat ng sangkap liban sa sesame oil. Ilaga ang karne sa mahinang apoy tapos idagdag ang sesame oil. Patayin ang apoy at hayaang lumamig ang karne sa tubig na pinaglagaan. Hanguin ang karne at hiwain sa mga pirasong may kapal na 5 centimeters. Bago isilbi, ibuhos ang tubig na pinaglagaan sa ibabaw ng karne.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |