|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
375 grams ng lean pork
250 grams ng sariwang prawns o sugpo
1 maliit na carrot, ginayat nang manipis at pahaba
4 na shallots o sibuyas Tagalog, tinadtad
2-3 spring onions o sibuyas na mura, tinadtad nang pino
6 na water chestnusts, tinadtad nang pino
1/2 kutsarita ng asin
1 pirot ng puting paminta
1 pirot ng vetsin
1 itlog, binati nang kaunti
1 punong kutsara ng cornflour
3 malalaking tuyong bean curd sheets o lumpiya wrapper mantika para sa deep-frying
Paraan ng Pagluluto
Alisan muna ng shell ang prawns bago tadtarin kasabay ng lean pork. Pwede ring gamitan ng blender kung gugustuhin.
Ilaga ang carrot sa 2 kutsara ng tubig sa loob ng 2 minuto tapos isama sa tinadtad na lean pork at prawns kasabay ang mga iba pang sangkap liban sa bean curd sheets at mantika. Haluing mabuti.
Punasan ang bean curd sheets ng basa-basang pamunas tapos putulin nang pakuwadrado sa sukat na 5 centimeters. Lagyan ng katamtamang daming mixture ang gitna ng bawat bean curd sheet tapos irolyo at tiklupin ang magkabilang dulo. Iprito ang mga roll o lumpiya sa maraming mantika sa loob ng 4-5 minuto tapos hanguin, patuluin at isilbi kasama ang chilli sauce o plum.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |