|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1 talong, hiniwa-hiwa sa hugis na parang wedge na may lapad na 1 pulgada (1 inch)
5 -6 na murang sibuyas
1 kutsarita ng tinadtad na bawang
1 kutsarita ng red chilli sauce
2 kutsara ng toyo
1 kutsarita ng regular na sukang puti
1 kutsarita ng cornflour o cornstarch
1/2 kutsarita ng asukal na pula
1 maliit na tumpok ng coriander leaves
1/2 kutsarita ng pamintang itim
2 kutsara ng mantika (sesame oil o peanut oil)
1 tasa ng tubig
Paraan ng Pagluluto
Initin ang mantika sa kawali. Sa 2 hati, iprito ang mga piraso ng talong hanggang magkulay brown. Idagdag dito ang asin at paminta tapos hanguin, patuluin at itabi muna.
Sa kawaling pinagprituhan, magdagdag ng ilang patak ng mantika kung kailangan tapos igisa ang sibuyas na mura hanggang sa lumambot. Isunod ang red chilli sauce at tinadtad na bawang at ituloy pa ang paggisa sa loob ng ilang segundo.
Samantala, paghalu-haluin ang toyo, suka, cornstarch, asukal at asin para gumawa ng sichuan sauce. Idagdag ito sa mixture ng sibuyas na mura, red chilli sauce at tinadtad na bawang at lutuin hanggang sa bumula. Ihulog ang mga piraso ng talong at haluing mabuti hanggang sa malagyan ang lahat ng mga ito ng sauce. Palamutian ng tinadtad na coriander leaves at isilbing mainit kasama ng sinangag o noodles.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |