|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
2 pipino (cucumbers)
2 - 3 itlog
1 maliit na carrot
Sibuyas na mura (green onion)
Paminta (pepper powder)
Asin
Mantika (cooking oil)
Paraan ng Pagluluto
Hugasan at linisin ang sibuyas na mura o green onion at pipino o cucumbers. Hiwain ang sibuyas na mura sa maliliit na piraso at gayatin ng manipis ang mga pipino.
Hugasan at talupan ang carrot tapos hiwain sa hugis-diamond na mga piraso. Ilagay sa plato.
Basagin ang mga itlog at batihin sa isang maliit na mangkok.
Mag-init ng mantika sa kawali at iprito ang mga binating itlog sa loob ng 10 - 20 segundo. Patayin ang apoy tapos pirapirasuhin ang pritong itlog gamit ang sandok. Pagkaraan, ilipat sa plato.
Initin muli ang kawali at dagdagan ang natitirang mantika. Ilagay ang sibuyas na mura at igisa hanggang sa lumutang ang bango. Idagdag ang carrot at ginayat na pipino at igisa sa loob ng 1 minuto. Ilagay ang asin at paminta at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 20 segundo. Bawasan ang apoy at ihulog ang mga piraso ng pritong itlog bago ituloy pa ang paggisa sa loob ng 30 segundo. Patayin ang apoy tapos alisin ang mixture sa kawali at isilbi sa isang platong porselana.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |