|
||||||||
|
||
20151029ditorhio.mp3
|
Mga kaibigan, narinig na ba n'yo ang Rent a GF o BF? Dito sa China, mayroon na po nito,lalo na kapag may mga mahaba at espesyal na bakasyong gaya ng National Week, Spring Festival, etc. Eh, ano naman ka n'yo ang Rent a GF o BF? As the name suggests, kung wala kang boyfriend o girlfriend, pwede kang mag-subscribe sa isang cellphone app para maka-avail ng kanilang serbisyo. Mga kababayan, sa palagay n'yo, uubra ba ito sa Pinas?
Kung ikaw ay malungkot o broken-hearted dahil kaka-break lang n'yo ng iyong gf o bf, cheer up at huwag nang malungkot, dahil hindi ikaw ang pinakamalas at pinakakaawa-awang tao sa balat ng lupa. Atleast, nagkaroon ka ng gf o bf. Dito sa China, dahil maraming kabataan ang talaga namang hindi makakita ng partner, nag-su-subscribe sila sa Rent a GF o BF.
Alam po ninyo, malaki kasi ang social pressure sa mga Tsinong nasa edad 25, pataas upang magkaroon ng bf o gf. Kapag may mga espesyal na okasyon, inaasahan ng mga magulang na may ipapakilalang gf o bf ang kanilang mga anak, sa kanilang pag-uwi sa probinsya. Kapag, walang naipapakilala ang mga ito, medyo pinakikialamanan ng mga Chinese parents ang love life ng kanilang mga anak, bagay na nagbibigay ng pressure sa mga ito.
Siguro, para sa ating mga Pinoy, hindi masyadong problema ito. Dahil hindi naman tayo binibigyan ng pressure ni erpats at ni ermats para mag-asawa --- siguro may ilan sa atin na may experience ng ganyan, pero kakaunti lamang. Para sa mga Chinese, malaki ang epekto nito sa kanilang pamumuhay.
Dito, nagsimula ang ideyang Rent a GF o BF. Dahil ayaw ma-pressure ng mga binata't dalagang Tsino, minamabuti na lamang nilang magbayad ng pansamantalang GF o BF, para ma-satisfy ang kanilang mga magulang.
Bakasyon at Rent a GF/BF
Ayon People's Daily Online, nitong nakaraang week-long national holiday sa China (October 1 to 7), nakita ang pagtaas ng bilang mga kabataang nagbabayad hanggang 1,000 Yuan ($157USD) para sa pagrenta ng 'girlfriend.' Ang mga ito po ay hindi magkakilala at nagkatagpo lang sa pamamagitan ng cellphone app.
Social Pressure sa Pagpapakasal
Ang pagpapakasal ay isang isyung di-maiiwasan sa China. Kapag ang isang babae ay hindi pa kasal sa edad na 27, medyo pipilitin na sya ng kanyang mga magulang na makahanap ng partner.
Pagkatapos ng edad 27 at hindi ka pa kasal, ang ikaw ay tatawagin sa China na "leftover" o kung isasalin sa Filipino, "tira-tira." Medyo masakit sa tenga ano po? Pero, ganyan ang tawag at pakiramdam ng marami sa mga Tsino ngayon.
Kaya naman, sa pamamagitan ng Rent a GF o BF, maaari nang mag-uwi ng pansamantalang BF o GF ang mga "leftovers" upang hindi sila presyurin ng kanilang mga magulang, atleast sa loob ng isang taon.
Kondisyones at Presyo ng Rent a GF/BF
Maaaring mag-rent ng GF o BF para sa mga social scenario na tulad ng dinner, shopping trips o meeting the parents.
Ang bayad ay nagkakaiba, depende sa pangangailangan at haba ng oras. Pwede itong magsimula sa 100 Yuan ($16USD) per day hanggang mahigit 1,000 Yuan ($157USD).
Tanong: pwede bang magkadebelopan ang nagrenta at nirentahan? Sagot: possible! Depende na iyan sa diskarte nila.
Ang Bachelor Crisis
Ang scenario na ito ay inaasahang magpapatuloy sa hinaharap at ayon sa mga eksperto, kakaharapin ng China ang isang tinatawag na 'bachelor crisis' by 2020.
Disparity sa Bilang ng mga Babae at Lalaki
Ayon sa national census, ang average ratio ng male to female ay 114.7 to 100, ibig sabihin may shortage ng mga kababaihan sa Tsina.
Marami ring kalalakihan, lalo na iyong mga nanggaling sa hindi mayayamang pamilya ang mahihirapang humanap ng partner, at maaring maging single habambuhay.
Bukod pa riyan, nagkakaroon na rin ngayong mga tinatawag na "bachelor villages," kung saan nakatira iyong mga "leftover," pati na iyong mga kumukuha ng asawa mula neighbouring countries tulad ng Vietnam.
Syempre, hindi naman pinababayaan ng Chinese govern,en tang isyung ito, at lagi naman silang nakatutok at sinusubukang bigyang solusyon ang problemang ito. Pero, mukhang sa malapit na hinaharap, iyong mga nahihirapang makahanap ng ka-partner at mga "leftover" ay patuloy na aasa sa mga rental app na ito upang makahanap ng pansamantalang 'girlfriend' o "boyfriend" para ma-satisfy ang kagustuhan ng kanilang magulang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |