Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kahabaan ng Silk Road: Malikhaing Indiyano

(GMT+08:00) 2015-11-05 13:31:40       CRI

Ang 21st Century Maritime Silk Road at Silk Road Economic Belt, o sa madaling salita, One Belt and One Road (OBOR) ay isang development strategy at framework na isinusulong sa pangunguna ng China upang palakasin ang konektibidad at kooperasyon ng mga bansang nasa rehiyon ng Eurasia. Ang OBOR ay may dalawang bahagi; ang land-based na "Silk Road Economic Belt" (SREB) at ang oceangoing na "Maritime Silk Road" (MSR).

Kapag naitayo ang OBOR, malaki ang maitutulong nito sa pagsusulong ng rehiyonal na economic cooperation, pagpapalakas ng pagpapalitan at pagpulot ng mabubuting aral sa mga karanasan ng ibang bansa, at pagpo-promote ng pandaigdig na katiwasayan.

Ang mga bansang nasa kahabaan ng OBOR na tulad ng Pilipinas, Association of South East Asian Nations (ASEAN), Tsina, etc. ay magkakaroon ng malaking resource advantage. Bukod pa riyan, malaki rin ang magiging pagkokomplimento ng mga ekonomiya ng bawat bansa sa kahabaan nito.

Sa pamamagitan ng OBOR, magkakaroon ng policy coordination, facilities connectivity, unimpeded trade, financial integration, at lalakas ang people-to-people bonds. Ang mga ito ang magiging dahilan upang magkaroon ng mas matibay na kooperasyon at pagkakaibigan ang bawat isa.

Hinggil po sa OBOR, sa loob ng maraming panahon, isa sa mga nag-pioneer ng pagpapalaganap ng kulturang Indiyano sa Tsina sa pamamagitan ng sinaunang Silk Road ay si Sidharta Gautama, o mas kilala sa tawag na Buddha. Sa pamamagitan ng kanyang mga turo, nakarating sa Tsina ang Budismo libong taon na ang nakakaraan sa pamamagitan ng mga negosyanteng dumaraan sa sinaunang Silk Road. Kaya naman itong si Dev Raturi na mula sa India ay very passionate sa pagpapatuloy ng simulating ito.

Pagkatapos ng 11 taong pananatili sa China, lalo pang lumakas ang mithiin niyang ipaalam sa lahat ang naging papel ng Silk Road sa pagdating ng kulturang Indiyano sa Tsina. Ito ang naging dahilan kung bakit napadpad siya sa lunsod ng Xi'an, lugar kung saan nagsisimula ang Silk Road. Bukod pa riyan, ipinagpapatuloy rin niya ang misyong ito sa pamamagitan ng kanyang Indian Culture Food Restaurant na RedFort. Dito, hindi lang Indian food ang isinisilbi, mayroon ding Indian Bollywood dance, at yoga. Ang kanyang susunod na goal, dalhin ang Chinese traditional culture sa India. Narito ang kanyang kuwento.

 

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Rent a GF/BF 2015-10-30 14:54:16
v 8 Palace Handicrafts ng Beijing 2015-10-15 14:05:59
v Noni, pambihirang prutas 2015-10-08 16:59:28
v Mga exhibitor ng Ika-12 CAExpo 2015-09-29 16:59:31
v Arnis para sa Charity 2015-09-03 16:41:34
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>