|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
300 grams ng sibuyas
50 grams ng lean meat
2 grams ng asin
1 grams ng vetsin
8 grams ng toyo
10 grams ng asukal
30 gramo ng tubig
100 grams ng mantika
20 grams ng mixture of cornstarch and water
3 grams ng xiaoshing wine
Paraan ng Pagluluto
Alisan ng balat ang sibuyas tapos gayatin. Hiwa-hiwain din ang karne bago lagyan ng asin, xiaoshing wine at mixture of cornstarch and water. Haluing mabuti pagkatapos.
Initin ang mantika sa kawali sa temperaturang 180-200 degrees centigrade. Igisa ang karne sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Hanguin at patuluin.
Mag-iwan ng 50 gramo ng mantika sa kawali. Ilagay ang ginayat na sibuyas at igisa. Buhusan ng tubig at toyo at lagyan ng asin, vetsin at asukal tapos pakuluin. Buhusan ng mixture of cornstarch and water para lumapot. Ilagay ang mga piraso ng karne at haluin. Isalin sa plato at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |