|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
375 grams ng long beans o sitaw
1 kutsara ng langis na panluto
1 piraso ng bawang, dinikdik nang pino
6-8 piraso ng maliliit na prawns, inalisan ng balat
1 kutsara ng tubig
1/4 na kutsarita ng asin
Paraan ng Pagluluto
Tanggalin muna ang mga naiwang bahagi ng tangkay sa magkabilang dulo ng long beans tapos putulin ang beans sa habang 4 centimeters.
Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang. Pag medyo brown na ang bawang, idagdag ang prawns at igisa rin kasama ng bawang hanggang sa magbago ang kulay. Isunod ang beans. Igisa ang mga ito sa loob ng 3 minuto tapos buhusan ng kaunting tubig sa ibabaw at budburan ng asin. Takpan ang kawali at ilaga ang beans hanggang sa maluto. Kung mayroon pang natitirang likido, dagdagan ang apoy at alisin ang takip ng kawali para sumingaw ang likido. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |