|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
5oo grams ng sariwang prawns (katamtaman ang laki)
1 kutsara ng maalat na black beans o tawsi
1 kutsara ng cooking oil
1 kutsara ng oyster sauce
1 kutsara ng Chinese rice wine o dry sherry
1/2 kutsara ng ginger sauce
1 kutsara ng asukal
Tubig (ayon sa pangangailangan ang dami)
Paraan ng Pagluluto
Alisan ng balat ang prawns tapos hugasan at patuluin. Kung ang gamit ninyong salted beans ay iyong nasa lata, hugasan sa gripo tapos durugin at ligisin nang kaunti gamit ang tinidor. Kung ang gamit ninyo naman ay pinatuyong salted black beans, ibabad sa tubig sa loob ng 5 minuto at patuluin muna bago ligisin.
Initin ang cooking oil sa kawali at igisa ang prawns sa loob ng 1 hanggang 2 minuto hanggang sa magkulay pink. Ihulog ang black beans tapos ilagay ang oyster sauce, wine, ginger sauce at asukal tapos pakuluan sa loob ng 1 minuto. Haluin maya't maya habang pinakukuluan. Ilagay ang tubig tapos hayaang kumulo sa loob ng 1 o 2 minuto hanggang sa maluto ang prawns.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |