|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1/3 cup ng vegetable oil
2 kutsarita ng tinadtad na bawang
1 sibuyas, tinadtad
2 piraso ng pitso ng manok, nilaga at hinimay
1/4 kilo ng hipon, binalatan
Patis at paminta
2 piraso ng carrot, hiniwa nang manipis at pahaba
1 maliit na ulo ng repolyo, ginayat
1 tasa ng sitsaro
1/2 tasa ng tengang daga o black woodear mushroom, ibinabad sa tubig hanggang lumambot
5-6 na tasa ng sabaw ng manok
1/2 kilo ng mung bean noodles, ibinabad sa tubig nang 10 minuto hanggang lumambot
Tinadtad na sibuyas na mura o shallot
Paraan ng Pagluluto
Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas, manok at hipon. Halu-haluin hanggang sa lumabas ang katas nang hindi nagdaragdag ng tubig tapos timplahan. Idagdag ang mga gulay, tengang daga at sabaw. Pakuluin at isama ang mung bean noodles. Lutuin hanggang matuyo at maluto ang noodles. Paibabawan ng sibuyas na mura. Isilbi habang mainit.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |