|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
2 patatas, tumitimbang ng mga 300 grams
1 red pepper, tumitimbang ng mga 50 grams
1 green pepper, 50 grams din ang timbang Green onion
Cooking oil, asin at toyo (ayon sa panlasa)
Paraan ng Pagluluto
Mag-init ng mantika sa kawali. Ikalat ang mantika hanggang sa gilid ng kawali. Igisa ang green onion sa loob ng 5 seconds hanggang sa lumutang ang bango. Ilagay ang toyo at ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 5 seconds. Ihulog ang ginayat na mga patatas. Haluin at iprito sa loob ng 3 minutes hanggang sa maluto. ldagdag ang green at red peppers.
Magkakasamang halu-haluin ang lahat ng mga sangkap. Ibudbod ang asin tapos ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 10-20 seconds. Isalin sa porcelain dish o karaniwang serving dish at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |