Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kultura ng pag-inom, mahalaga sa negosyo

(GMT+08:00) 2016-08-19 18:12:58       CRI

Simula pa noong sinaunang panahon, malaki na ang ginampanang papel ng pag-inom ng alak sa pagbuo ng relasyon sa pagitan ng ibat-ibang lahi at bansa. Kung matatandaan natin, nang dumating ang mga Kastila sa ating dalampasigan noong 1500's, nakipagkaibigan ang mga ito sa ating mga sinaunang hari at sultan sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo, at pag-inom ng alak.

Sa pagdaan ng maraming taon, hindi kumupas ang importansya ng kagawiang ito sa kulturang Pilipino. Sa tuwing may kasiyahan o pagdiriwang, ang mga kalalakihan ay umiinom; ito raw kasi ay isang paraan upang maging madali ang pagkakaibigan; dahil ito ay paraan upang makilala ang tunay na ugali ng isang tao at isa ring paraan upang magkaroon ng katuwaan.

Kapareho nating mga Pinoy, ang mga Tsino ay ganoon din. Libong taon na ang kasaysayan ng pag-inom ng alak dito sa Tsina. Sa kasalukuyan, mahilig pa ring uminom ang mga Tsino, at sa maniwala kayo o sa hindi, ang pag-inom ng alak ay isang paraan upang mapalago ang negosyo, o sa madaling salita ginagamit "to close" business deals.

Ayon sa online magazine na "Guide in China," "alcohol can lubricate deal-making and consensus-building around the world, but, it's particularly powerful in China."

Dagdag pa ng naturang magazine, ayon sa China Youth Daily Survey, 82% daw ng mga kabataang Tsino ang naniniwala na ang pag-inom ng alak ay esensyal na bahagi ng kanilang career development; kung minsan ay mahalaga ito sa pagpasa sa kolehiyo, at job interviews.

Sa tradisyonal na paraan, ang mga tinatawag na "business drinkers" sa Tsina ay magtitipon at iinom kapag hapunan: ibig sabihin, hindi matatapos ang inuman habang hindi tapos ang hapunan.

At ayon pa rin sa tradisyon, ang bawat isa ay kailangang gumawa ng toast sa lahat bilang tanda ng pagiging magalang at pagpapakita ng pagpapahalaga sa lahat.

Syempre, kailangang pangunahan ng host ang pagto-toast, kasunod ng isang welcome speech. Susundan ito ng ibat-ibang tao o grupo na magko-cross toast habang kumakain.

Tulad ng host, ang mga nais gumawa ng toast ay tatayo at lalapit sa taong gusto niyang i-toast at maari ring gumawa ng maikling pananalita, papuri at pasasalamat. Dito nagsisimula ang pagkakaibigan at pagpasok ng usapan sa negosyo.

Para naman sa mga kabataan, tulad din sa ating mga Pinoy, hindi mo makikita ang ganitong pormalidad sa pag-inom.

Ayon pa rin sa China Youth Daily Survey, 84% ng mga kabataang Tsino ang ayaw sa obligadong pag-inom. Mas gusto nilang uminom sa kanilang sariling terms, at mas trip nila ang pag-inom sa mga bar, café, at bahay kasama ang mga kaibigan. Marami rin sa mga kabataang Tsino ang ayaw sa pag-inom kapag nasa trabaho. Ayon sa kanila, nakakasagabal ang pag-inom sa klaridad ng pag-iisip sa trabaho.

Ayon kay Xin Ran (24), isang Arkitekto sa kompanyang Megvii sa Beijing, "many investors ask me out for my insight into the industry, often in cafes and tea houses. How could they process all the complicated information if they are tipsy?"

Sabi naman ni Qiushi Jin (24), may ari ng isang e-commerce start-up sa lunsod ng Hangzhou, "the speed of deal-making is faster than ever, especially for e-commerce. Instead of wasting my time on drinking, I'd rather cut the crap and go straight to real business."

Ayon kay Xiyi Chen (25), importer ng prutas mula sa timog silangang Asya at Aprika patungo sa China, "the era is gone when you could get business done with a silver tongue and a crazy capacity to drink. Now, you have to present real stuff. I've noticed that those who can survive in the old-fashioned way are fleeing to countries like Vietnam, where people drink like the way Chinese used to."

Pero, syempre, tulad ng sabi natin kanina, libong taon na ang kasaysayan ng pag-inom sa Tsina, kaya naman hindi maaring baguhin ng mga kabataan ang ganitong tradisyon sa loob ng maikling panahon.

Ngayon, para sa ating mga Pinoy, lalo na ang mga nag-nenegosyo, madalas nating makita ang ating sarili na nakikipag-deal sa mga Tsino, Hapones, Koreano, Amerikano, etc. Narito ang ilang useful tips kung kayo ay nasa isang "business drinking session:"

1. Kailangang bigyang-pansin ang hierarkiya ng lamesa – host, seniors, juniors. Natural lamang na kung ikaw ay nakakataas sa hierarkiya, mayroon kang kapangyarihan na painumin ang mga nakakababa sa iyo.

2. Ang mga nakakabata ay obligadong uminom ng mas marami – Kung ikaw ay isang batang opisyal o batang negosyante, kailangan mong magpa-impress sa iyong boss o potensyal na business partner sa pag-unlad ng iyong karera o negosyo. Pero, hindi ito ganoon kasimple: kailangan ding makiramdam at mag-obserba upang pagkatapos ng inuman, makuha ang isang magandang business deal o promosyon sa trabaho.

3. Kailangang ipakita ang iyong galing sa interpersonal skills – Ang pagto-toast sa ibang tao ay nakikita bilang kakayahan sa pagsasalita at karisma. Ayon kay Zhou Fang (26), isang politician, "not everyone who can drink is valued at work, but those who are valued are definitely good drinkers. Aniya pa, ang pag-inom ay isang pagkakataon para ipakita ang iyong interpersonal skills, gaya ng pag-break ng ice, at pagsasabi ng tamang salita sa tamang tao. "Think of it as a microphone: what really makes you heard and remembered is how you give a toast," aniya pa.

4. Ang paraan mo ng pag-inom ay siya ring kagawian mo sa trabaho – Marami ang naniniwala na may malapit na koneksyon sa paraan ng pag-inom sa estilo ng isang tao sa kanyang negosyo. "It's like an audition process," ayon kay Farong Chen (isang generous at ambitious drinker. Aniya, ang isang taong generous at ambitious drinker ay nakikita ng mga boss bilang generous at ambitious partner sa trabaho.

5. Sabihin ang inyong nais – Pagkaraan ng ilang round ng tagay, ang lahat ay magiging mas komportable at relaks sa isat-isa, kaya naman ito ay isang perpektong oportunidad upang isulong ang pagkakaibigan at negosyo. Ayon kay Xiyi Chen, "talk about business, but don't make it sound like it is business.

A famous classical painting shows the long history of Chinese drinking customs.

Understanding the rules of modern business drinking can help a lot

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Marathon sa Gobi 2016-08-11 16:39:59
v Kakaibang balita 2016-08-04 16:43:32
v Guro ng Ingles 2016-07-28 17:59:44
v Negosyanteng Pakistani sa Guangzhou 2016-07-21 17:32:50
v Bagong Pag-asa sa Relasyong Sino-Pilipino, nakikita 2016-07-14 17:58:17
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>