Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Expat sa Hangzhou

(GMT+08:00) 2016-09-22 17:01:35       CRI

Noong nakaraang episode ay pinag-usapan natin ang tungkol sa lunsod ng Hangzhou kung saan ginanap ang kakatapos lamang na G20 Summit, na nilahukan ng mga lider ng mga kasaping bansa ng G20, mga bansang panauhin, at mga namamahalang tauhan ng mga may kinalamang organisasyong pandaigdig.

Ayon sa online magazine na GuideinChina, ang Hangzhou ang most-Googled destination sa buong Tsina, at ito ay tumanggap ng mahigit 3 milyong bisita noong nakaraang taon.

Ayon pa sa nasabing magazine, "the green spaces, undulating terrain, and tranquil lakeside vistas, caused early visitors like Marco Polo to declare it "the City of Heaven.

Dahil dito, napakaraming mga tao ang sinusubok mamuhay, mag-aral at magtrabaho sa Hangzhou.

Narito ang kuwento ng ilan sa kanila courtesy ng China Daily.

Ang Austrian na si Dominik Derflinger ay nagdesisyon na dating lisanin ang lunsod ng Hangzhou, pero, dahil sa kanyang mga nakikita araw-araw at kamangha-manghang karanasan sa lunsod, nagdalawang isip siya sa pag-alis.

Aniya, "Hangzhou just wouldn't let me go."

Si Derflinger ay may-ari na ngayon ng isang media company at tinatawag niya ang Hangzhou bilang kanyang "second home."

Ang Ukranian na si Oxana Konoval, ay isang biologist at ilang taon nang nasa Hangzhou. Siya ay nagtatrabaho sa isang proyekto para pataasin ang produksyon ng itlog ng mga Shaoxing ducks, isang uri ng pato na orihinal sa Zhejiang province.

"For me it is very important to do something really important for humanity, important for China, important for Ukraine," aniya.

Nang unang makarating sa Hangzhou ang design-intern na si Rachel Addy, siya ay namangha sa Chinese silk. "It's very light and comfortable to wear. The silk here is premier and soft," sabi niya.

Ngayon, siya na ang founder ng nonprofit networking service na tumutulong sa mga expat o laowai na gustong mag-umpisa ng negosyo sa Hangzhou.

Aniya, "Hangzhou is totally different now - there are so many foreigners here. I feel so comfortable living here right now."

Bilang food and beverage manager sa Hilton Hangzhou Qiandao Lake, ine-enjoy ng Indian national na si Raj Uppada ang kanyang buhay at panahon sa Hangzhou.

Aniya, "My work makes me very happy, but what makes me even happier is the beauty of Qiandao Lake.

I love staying here because of the natural setting, lush green mountains, the lake and the air."

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Pestibal ng Bilog na Buwan 2016-09-14 16:38:50
v Ang Lunsod ng Hangzhou 2016-09-08 16:59:18
v Kultura ng pag-inom, mahalaga sa negosyo 2016-08-19 18:12:58
v Marathon sa Gobi 2016-08-11 16:39:59
v Kakaibang balita 2016-08-04 16:43:32
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>