|
||||||||
|
||
20160929ditorhio.m4a
|
si Siraaj Abraham
Kamakailan, napabalita ang isa sa mga smartphone na gawa ng kompanyang ito. Bakit? Kasi, naisalba ng isang Huawei phone ang buhay ng may-ari nito.
Ayon sa emagazine na GuideinChina, nailigtas ng isang Huawei P8 Lite smart phone ang buhay ng may-ari nitong si Siraaj Abraham (41 taong gulang) nang barilin siya sa dibdib ng masasamang loob sa labas lamang ng kanyang bahay sa Cape Town, South Africa.
Sa gitna ng komosyon, binaril ng isang lalaki ang businessman na si Siraaj Abraham mula sa layong dalawang metro.
Sa kagandahang-palad, tumama ang bala ng 9mm na pistola sa Huawei P8 Lite smartphone ni Siraaj na nakasilid sa bulsa sa tapat ng kanyang dibdib. Dahil dito, nailigtas ang buhay ni Siraaj sa tiyak na kamatayan.
Ayon pa sa mga ulat, panandaliang tumigil ang pintig ng puso ni Siraaj, subalit, kaagad naman siyang nakita ng kanyang 16 na taong gulang na anak na babae, at isinugod sa ospital.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga pulis ang pangyayari. Subalit, di-pa rin nahuhuli ang salarin.
Samantala, di-tulad ng Iphone 7 at 7s na gawa sa aluminum at iba pang uri ng bakal, ang Huawei P8 Lite ay gawa lamang sa plastic, pero, nagawa nitong patigilin ang bala ng 9mm na pistolang pinaputok sa distansyang 2 metro. Nakakamangha ano po?
Tumama ang bala sa bandang likuran ng handset at tumigil ito, bago lumabas sa frontpanel.
Sa ngayon, hindi na gumagana ang nasabing handset, pero dahil sa pangyayari, pinalitan ng Huawei Company ang nasirang handset. Ibinigay ng Huawei kay Siraaj ang bagong labas na Huawei P9 Lite bilang kapalit ng nasirang Huawei P8 Lite.
Bukod pa riyan, inimbitahan din ng Huawei si Siraaj na dumalo sa homematches ng Ajax Cape Town Soccer Team bilang VIP guest.
By the way, ang Huawei ang siya ngayong ikatlong pinakamalaking manufacturer ng smartphone sa buong daigdig.
Hindi ito ang unang beses na nailigtas ng isang Huawei handset ang buhay ng isang tao. Noong general elections ng Kenya, muntik nang tamaan ng isang ligaw na bala ang lalaking nagngangalang Millard Brown, kung hindi napigilan ng Huawei Mediapad na nakalagay sa kanyang backpack ang bala.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |