Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, umalis na patungong Cambodia

(GMT+08:00) 2017-05-10 17:25:55       CRI

Pangulong Duterte, umalis na patungong Cambodia

UMALIS na si Pangulong Rodrigo Duterte kaninang ikatlo at kalahati ng hapon patungong Cambodia upang dumalo sa World Economic Forum na nakatuon sa Association of South East Nations (ASEAN) 2017.

Makakusap niya ang business leaders at chief executive officers sa magkakahiwalay na sesyon samantalang nasa Cambodia.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Manuel Teehankee, makakausap ni G. Duterte ang nangungunang business leaders sa isang pagkakataon samantalang makakaharap niya ang nangungunang 50 chief executive officers sa ibang pagkakataon.

Magkakaroon din ng pakikipagpalitan ng pananaw sa mga mahahalagang isyu sa ibang sesyon kasama ang 30 regional stakeholders at pag-uusapan ang mga mungkahi upang higit na mapahusay ang pagpapatakbo ng pamahalaan at paraan para sa pagpapatatag ng ekonomiya.

Sa panayam kay G. Teehankee sa Cambodia, ipinaliwanag niyang ang dalawang araw na pangrehiyong pulong ang magbibigay sa Pilipinas ng daan upang isulong ang mga programa para sa ASEAN sa pagdiriwang nito sa ika-50 taong pagkakatatag.

Ito rin umano ang pandaigdigang paglulunsad ng "Build, Build, Build" program at DuterteNomics. Isa sa mga tagumpay ng Duterte Administration ay ang paglulunsad ng Davao-General Santos-Bitung Ro-Ro Shipping Network.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>