Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, umalis na patungong Cambodia

(GMT+08:00) 2017-05-10 17:25:55       CRI

Senador Alan Peter Cayetano, hinirang na kalihim ng Ugnayang Panglabas

HINIRANG ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Alan Peter Cayetano bilang Kalihim ng Ugnayang Panglabas. Siya ang papalit kay Acting Foreign Secretary Enrique Manalo.

Ayon sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs, binabati ng mga opisyal at kawani ng kagarawan si Senador Cayetano sa pagkakahirang bilang Kalihim.

Umaasa ang mga opisyal at kawani na makakasama si G. Cayetano sa paglilingkod sa mga mamamayan. Pinaghahandaan na ng kagawaran ang maayos na pagsasalin ng poder at patuloy na paglilingkod sa mga mamamayan.

Isinilang noong ika-28 ng Oktubre, 1970 si Secretary Cayetano at nakapagtapos ng Abogasya sa Ateneo School of Law noong 1997 at nagtapos ng kanyang kolehiyo sa University of the Philippines noong 1993.

Ngayong ika-17 Kongreso, si Senador Cayetano ang chairman ng Foreign Relations at Agrarian Reform committees at kasapi sa Commission on Appointments. Naglingkod na rin siyang Senador sa 14th hanggang 17th Congress.

Tatlong ulit siyang nahalal na Congressman ng Taguig-Pateros. Kasal siya kay Taguig City Mayor Laarni Lopez-Cayetano.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>