Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, umalis na patungong Cambodia

(GMT+08:00) 2017-05-10 17:25:55       CRI

Kasong may kinalaman sa droga, dumagsa

DUMAGSA ANG MGA USAPIN MATAPOS ILUNSAD ANG KAMPANYA LABAN SA DROGA. Sinabi ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta, chief public attorney na mule 82,000 mga usapin noon 2016, umabot na sa 303,000 mga usapin ang hawak ng Public Attorneys' Office ngayong 2017. Mayroong 80% sa mga ito ang may kinalaman sa illegal drugs. (Melo M. Acuna)

ISANG dahilan kung bakit patuloy na sumisikip ang mga piitan sa iba't ibang bahagi ng bansa ay ang walang humpay na kampanya ng pamahalaan ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs.

Sa pagsasalita ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta sa Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi niyang mula sa 82,000 kasong hawak ng PAO noong isang taon ay umabot na sa 303,000 kaso. May 80% sa mga ito ay may koneksyon sa droga.

Ani Atty. Acosta, nagpetisyon na sila sa Korte Suprema upang payagan ang plea bargain para sa mga nagkasala sa unang pagkakataon upang madala sila sa mga rehabilitation center na nakatayo na. Nagkataon nga lamang na wala pang schedule mula sa Korte Suprema kung kailan diringgin ang kanilang petisyon.

Ayon kay Jail Senior Supt. Paulino Moreno, Jr. umaasa silang daragsa pa ang mga bilanggo sa kanilang mga pasilidad sa pagpapatuloy ng kampanya ng pamahalaan sa mga barangay.

Sa panig ni Bro. Rodolfo Diamante, executive secretary ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, hindi kailanman nagkukulang ang pamahalaan ng salapi at ang problema ay ang pagtatalaga ng salapi sa mga nararapat tustusan tulad ng mga piitan. Kailangan ding matustusan ang mga programang magbabalik sa lipunan ng mga nagkasala.

Idinagdag naman ni Atty. Jacqueline Ann C. De Guia ng Commission on Human Rights, tumugon lamang sila sa tip ng isang dating napiit sa "secret jail" sa Tondo, Maynila. Hindi umano kailangang patagalin pa sapagkat nanganganib ang buhay ng mga nakapiit.

Ipinaliwanag naman ni Senior Inspector Kimberly Molitas, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office, hindi na lingid sa kaalaman ang "secret jail" sapagkat walang mapaglalagyan ng mga nadarakip. Wala raw pasilidad ang mga himpilan ng pulisya na paglalagakan ng mga nadakip.

Mayroong 446 piitang saklaw ang Bureau of Jail Management and Penology sa buong bansa at mayroon silang 11,900 detenidong naghihintay ng pagtatapos ng kanilang mga usapin sa iba't ibang hukuman sa buong bansa. Tumatagal ang napipiit mula isa hanggang anim na taon.

Sa Bureau of Corrections, sinabi ni Deputy Director Martin R, Perfecto mayroon silang pitong piitan at ang pinakamalaking pasilidad ay ang Bilibid sa Muntinlupa. May mga kolonya silang na sa iba't ibang bahagi ng Luzon, Kabisayaan at maging sa Mindanao.


1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>