Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, nanawagan ng pinag-isang programa laban sa droga

(GMT+08:00) 2017-05-11 17:58:32       CRI

Koordinasyon, susi sa mas maayos na pamamalakad

KOORDINASYON, MAHALAGA SA KAUNLARAN. Ayon kay G. Vickram Cuttaree, program leader sa sustainable development ng World Bank sa Pilipinas, mahalagang mag-usap ang mga pinuno ng mga pamahalaang lokal tulad ng Metro Manila upang matiyak ang kaunlaran. Isa ang Metro Manila sa pinakamalaking lungsod sa daigdig. (Melo M. Acuna)

MARAMING hamong haharapin ang Metro Manila sa pagdagsa ng mga tao sa maunlad na bahagi ng bansa. Magugunitang aabot sa 14 na milyon ang naninirahan at nagtatrabaho sa Metro Manila at dumagsa ang mga tao upang makatipid sa kanilang pamasahe.

Ito rin ang dahilan kaya't maraming tinaguriang informal settlers na naninirahan sa mapapanganib na bahagi ng kalakhang Maynila.

Ito ang sinabi ni Vickram Cuttaree, ang program leader ng World Bank sa Pilipinas sa larangan ng sustainable development sa "The Manila Times Forum." Idinagdag pa niyang ang mga lungsod ay maituturing na competititve at kailangang kapakipanibang sa nakararami at magkaroon ng matatag na kaayusan.

Sa buong daigdig, 80% ng economic activities ang nagaganap sa mga lungsod sa pagkakaroon ng mga industriya at oportunidad na magkahanapbuhay. Kailangang madama ng mga mamamayan ang kaunlaran ng kanilang kalagayan.

Nakita rin ang papel ng pribadong sektor sa pagpapaunlad sa Bonifacio Global City sa Taguig at Iloilo Business Park sa Iloilo City at iba pang mga bahagi ng bansa. Ang Metro Manila ay isa sa pinakamabilis na umunlad sa rehiyon.

Naniniwala si Cuttaree na madaragdagan ng may 20 milyon ang naninirahan sa susunod na dalawampung taon samantalang may 120 milyon na higit sa 65% ng buong mga mamamayan ng bansa ang maninirahan sa mga lungsod.

Sapagkat maraming pamahalaang lokal sa Metro Manila, kailangang magkaroon ng koordinasyon sa mga punonglunsod upang maayos ang pagpapatakbo sa maunlad na bahagi ng bansa.

Magugunitang walang magawa ang Metro Manila Development Authority sapagkat mayroong local government code na nag-aatang ng responsibilidad sa bawat pamahalaang lokal.

Sa pananaw ni G. Cuttaree, pagkakataon ito upang mag-usap at magtulungan ang mga pamahalaang lokal para sa kinabukasan ng mga mamamayan.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>