NPC ng Tsina: Mahigpit na kinondena ang Hong Kong Autonomy Act ng Amerika

Share with:

Sa isang pahayag na ipinalabas Hulyo 2, 2020, Mahigpit na kinondena at buong tatag na tinututulan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang pagpasa ng Kongreso ng Amerika ng Hong Kong Autonomy Act.

Sinabi sa pahayag na ang aksyong ito ay grabeng lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at nakialam rin ito sa mga suliranin ng HK at mga suliraning panloob ng Tsina.

Tinukoy sa pahayag na ang National Security Legislation ay karapatan ng sentral na pamahalan ng iba't ibang bansa ng daigdig. Walang anumang puwersang dayuhan ang mayroong karapatang makialam sa isyung ito.

Binigyan-diin ng pahayag na mahigpit na hinimok ang Tsina ang kongreso ng Amerika at ilang pulitikong Amerikano na agarang itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina na kinabibilangan ng mga suliranin ng HK. Kung hindi, tiyak na isasagawa ng Tsina ang nararapat na katugong hakbangin.

Salin:Sarah

Please select the login method