Resulta ng survey: karamihan ng mga mamamayang Amerikano, tutol sa pananalita ni Trump hinggil sa "Chinese virus" at "Kung Flu"

Share with:

Ayon sa ulat, Martes, Hulyo 14, 2020 ng pahayagang "The Hill" ng Amerika, isinagawa nito, kasama ang kompanyang "HarrisX" ang isang survey.

Ayon sa resulta, 66% ng rehistradong botante ng Amerika, ang may palagay na di-angkop ang pagtawag sa coronavirus bilang "Kung Flu" o "Chinese virus."

Ipinalalagay naman ng iba pang 34% na botante, na walang problema ang ganitong pananalita.

Ang naturang survey ay isinagawa sa 933 rehistradong botante ng Amerika mula Hulyo 3 hanggang Hulyo 4.

Kung paksyon ng partido ang pag-uusapan, ipinalalagay ng 83% ng tagasuporta ng Democratic Party at 66% personaheng walang kinaaanibang partido na di-angkop ang paggamit ng nasabing dalawang salita sa pagtukoy sa coronavirus.

Pero ipinalalagay naman ng 56% tagasuporta sa Republican Party na okay lamang ang paulit-ulit na paggamit ni Pangulong Trump ng ganitong salita.

Kabilang sa mga tagasuporta ni Trump, 62% ang sumusuporta sa ganitong pananalita, at 38% ang ayaw rito.

Di-angkop ang ganitong pananalita sa tingin ng 89% ng di-tagasuporta ni Trump, at 11% naman ang nagsabing ayos lang ito.

Salin: Vera

Please select the login method