|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, Martes, Hulyo 14, 2020 ng pahayagang "The Hill" ng Amerika, isinagawa nito, kasama ang kompanyang "HarrisX" ang isang survey.
Ayon sa resulta, 66% ng rehistradong botante ng Amerika, ang may palagay na di-angkop ang pagtawag sa coronavirus bilang "Kung Flu" o "Chinese virus."
Ipinalalagay naman ng iba pang 34% na botante, na walang problema ang ganitong pananalita.
Ang naturang survey ay isinagawa sa 933 rehistradong botante ng Amerika mula Hulyo 3 hanggang Hulyo 4.
Kung paksyon ng partido ang pag-uusapan, ipinalalagay ng 83% ng tagasuporta ng Democratic Party at 66% personaheng walang kinaaanibang partido na di-angkop ang paggamit ng nasabing dalawang salita sa pagtukoy sa coronavirus.
Pero ipinalalagay naman ng 56% tagasuporta sa Republican Party na okay lamang ang paulit-ulit na paggamit ni Pangulong Trump ng ganitong salita.
Kabilang sa mga tagasuporta ni Trump, 62% ang sumusuporta sa ganitong pananalita, at 38% ang ayaw rito.
Di-angkop ang ganitong pananalita sa tingin ng 89% ng di-tagasuporta ni Trump, at 11% naman ang nagsabing ayos lang ito.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |