Ika-23 SIFF, ipininid; mahigit 160,000 person-time, kabuuang bilang ng mga manonood

Share with:

Ipininid nitong Linggo, Agosto 2, 2020 ang ika-23 Shanghai International Film Festival (SIFF).

Ang SIFF ay siyang tanging Category A international film festival, o competitive feature film festival sa Tsina, at tumagal nang 9 araw ang kasalukuyang pestibal.

Samantala, ang lahat ng mga ticket ng SIFF sa kasalukuyang taon ay ibinenta sa pamamagitan ng online platform.

Mahigit 320 pelikulang Tsino't dayuhan ang itinanghal sa 29 na nakatakdang sinehan sa Shanghai.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga pelikulang ito ay itinanghal sa iba't ibang platapormang gaya ng sinehan, open air projection at online.

Mahigit 160,000 person-time na manonood ang nag-enjoy sa panonood ng mga ito.

Isinali rin sa open air projection ang mga bagong pelikula ng ilang bansa sa kahabaan ng Belt and Road.

Kaugnay nito, mataas na pagtasa ang ibinibay ni Olivier Assayas, kilalang direktor ng Pransya, sa serye ng mga bagong hakbangin ng tagapagtaguyod ng SIFF.

Aniya, ang taon 2019 ay espesyal na taon para sa lahat ng mga personahe sa sirkulo ng pelikula.

Ang pagdaraos ng SIFF ay simbolo ng pag-asa, dagdag pa niya.

Salin: Vera

Please select the login method