Plano sa pagkontrol ng COVID-19 sa Ika-3 CIIE, inilabas

2020-10-12 15:56:30  CMG
Share with:

Inilabas nitong Linggo, Oktubre 11, 2020 ang plano sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Ika-3 China International Import Expo (CIIE).
 

Ayon dito, kailangang sumailalim ang lahat ng kalahok mula sa ibayong dagat sa 14 na araw na kuwarentenas sa takdang otel.
 

Samantala, kailagan ding isagawa ang nucleic acid test sa lahat ng mga kasali sa ekspo at tagapagtrabaho sa mga sona ng pagtatanghal, at sa kanilang unang pagpasok sa mga pagdarausan, kailangan din nilang iprisenta ang patunay ng negatibong resulta ng nucleic acid test sa loob ng 7 araw.
 

Layon ng nasabing plano na napapanahong paliitin sa pinakamababang digri ang panganib na may kinalaman sa COVID-19, at pigilan ang paglitaw at pagkalat ng COVID-19 sa Ika-3 CIIE.
 

Nilinaw rin ng nasabing plano ang pagsasagawa ng pagsusuri sa lahat ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa CIIE.
 

Salin: Vera

Please select the login method