Inilabas nitong Martes, Oktubre 20, 2020 ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos ang maikling pahayag na nagsasabing handang handa na ang Amerika na agarang makipagtagpo sa panig Ruso, upang marating ang isang verifiable o mapapatunayang kasunduan sa nuclear arms control.
Hinangaan din ng nasabing pahayag ang mithiin ng panig Ruso sa isyu ng nuclear arms control.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Rusya nauna rito, hindi pa natatanggap ng panig Ruso ang pormal na sagot ng panig Amerikano hinggil sa mungkahi ng Rusya na bigyang palugit ng di-kukulanging sa isang taon ang New Strategic Arms Reduction Treaty (New START). Anang pahayag, binalak ng Rusya na gawin ang pangakong pulitikal, kasama ng Amerika, sa pag-freeze ng bilang mga nuclear warheads ng kapuwa panig, sa loob ng nasabing isang taon.
Salin: Vera