Beijing, Biyernes, Oktubre 23, 2020—Sa pulong bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng paglusob ng Chinese People's Volunteers (CPV) army sa Hilagang Korea para makidigma kontra Amerika, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na hindi maghahangad ang kanyang bansa ng hegemonismo at ekspansyon magpakailanman, at buong tatag na tututulan ang hegemonismo at power politics.
Saad ni Xi, palagiang iginiggit ng Tsina ang patakarang “depensa lamang.” Tinukoy niyang tiyak na matinding gagantihan ng mga mamamayang Tsino ang mga grabeng situwasyong lalapastangan sa soberanya, seguridad, at kapakanang panseguridad ng Tsina, at lalapastangan at magwawatak-watak sa teritoryo ng bansa.
Salin: Vera