Tsina, malugod na tinatanggap ang plano ng mga bansang maging carbon neutral

2020-11-03 16:32:39  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Lunes, Nobyembre 2, 2020 sa Beijing ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mainit na pagtanggap ng panig Tsino sa magkakasunod na pahayag ng ilang mga bansa ng maging carbon neutral, at paghanga sa mahalagang papel ng Sekretaryat ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) na pinamumunuan ni Ginang Patricia Espinosa sa pagpapasulong sa multilateral na pagsasaayos sa klima.
 

Sa panahon ng isang serye ng mga pulong sa mataas na antas ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN), ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang target ng kanyang bansa na isasakatuparan ang carbon neutrality bago ang taong 2060. Pagkatapos nito, magkakasunod na isinapubliko ng Hapon at Timog Korea ang sarili nilang target sa carbon neutrality.
 

Nitong Biyernes, Oktubre 30, nagpahayag ng pagtanggap dito si Patricia Espinosa, Executive Secretary ng Sekretaryat ng UNFCCC. Ipinalalagay niyang ang nasabing tatlong bansa ay nagpakita ng leadership para sa muling pagpapasigla ng pagpupunyagi ng buong mundo sa pagharap sa pagbabago ng klima, at nakakatulong ito sa pagpapasulong sa pagsasagawa ng mas maraming bansa ng ibayo pang aksyon.
 

Kaugnay nito, saad ni Wang, sa katatapos ng Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinuri at pinagtibay ang Ika-14 na Panlimahang Taong Plano ng bansa hinggil sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan. Sa nasabing plano, iniharap ang target ng pagsasakatuparan sa kabuuan ng sosyalistang modernisasyon, na kinabibilangan ng malawakang pagbuo ng berdeng paraan ng produksyon at pamumuhay, pagbaba ng pagbuga ng karbon pagkaraang marating ang peak value, pagbuti ng kapaligirang ekolohikal, at pagtatatag ng magandang Tsina.
 

Salin: Vera

Please select the login method