Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati sa pambasang araw ng Tonga; lubos na pinahahalagan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa

2020-11-04 15:59:32  CMG
Share with:

Miyerkules, Nobyembre 4, 2020, nagpadala si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe kay Haring Tupou VI ng Tonga, bilang pagbati sa kanilang pambansang araw.
 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na ilang taon, nanatiling mabilis ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Tonga, at mabungang mabunga ang kanilang kooperasyon sa iba’t ibang larangan. Sa pagharap sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinuportahan ng dalawang bansa ang isa’t isa, at walang humpay na lumalalim ang pagkakaibigan ng kani-kanilang mga mamamayan.
 

Saad ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Tonga, at nakahandang magsikap, kasama ni Haring Tupou VI, para mapasulong ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng kapuwa panig sa bagong antas.
 

Salin: Vera

Please select the login method