Tsina, may bagong patakaran sa pagpapasok ng mga dayuhan; Ministring Panlabas: Kinakailangan ang hakbang at pansamantala lamang

2020-11-06 16:14:58  CMG
Share with:

Kaugnay ng bagong patakaran ng ilang embahadang Tsino na suspendihin ang pagpapapasok ng mga dayuhan mula sa ilang mga bansa sa Tsina, sinabi nitong Huwebes, Nobyembre 5, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay pansamantalang hakbangin na isinasagawa ng panig Tsino, upang harapin ang kasalukuyang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Ayon sa ulat, magkakahiwalay na ipinatalastas ng mga embahada ng Tsina sa Belgium, Britanya at Pilipinas na dahil sa pandemiya ng COVID-19, pansamantalang ititigil ang pagbibigay ng mga health related documents sa mga dayuhang may valid visas o residence permits.
 

Tungkol dito, saad ni Wang, makatwiran at angkop sa pandaigdigang norma ang pagsasaayos sa patakaran sa pagpapasok ng mga dayuhan sa Tsina, ayon sa pagbabago ng kalagayan ng pandemiya. Ito rin ang tinutularang kilos ng maraming bansa. Nananalig siyang mauunawaan ito ng lahat ng mga kaibigang dayuhan.
 

Salin: Vera

Please select the login method