Sa pamamagitan ng Organization of African First Ladies for Development, ipinagkaloob kamakailan ng Tsina sa 53 bansang Aprikano ang mga materyal-medikal upang tulungan ang mga kababaihan at kabataan sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Dumalo sa mga seremonya ng paglilipat ang mga puno ng estado, at mga unang ginang, o mataas na opisyal ng nabanggit na mga bansang Aprikano.
Ipinahayag din nila ang pasasalamat sa pamahalaang Tsino.
Ayon naman sa mga pamahalaan at iba’t ibang sirkulo ng mga bansang Aprikano, ipinakikita ng naturang aksyon ng panig Tsino ang matayog na pagkatao at diwang pangkooperasyon.
Nakahanda rin anila ang panig Aprikano na palakasin ang pakikipagtulungan sa panig Tsino, para magkakasamang pagtagumpayan ang pandemiya.
Salin: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Mahigit 20,000, kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Aprika: kabuhayan, lubhang apektado
Tsina, patuloy sa pagkakaloob ng mga kagamitang medikal sa mga bansang Aprikano
Tsina, lubos na pinahahalagahan ang isyu ng pagbabawas ng utang ng Aprika
Walang diskriminasyon sa mga Aprikano, sa proseso ng paglaban sa COVID-19 sa Tsina