675 milyong padala, dumaan sa sistema ng koreo ng Tsina sa araw ng Double Eleven Shopping Festival

2020-11-12 15:25:01  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Koreo ng Tsina, mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 11, dumaan sa mga departamento ng koreo at bahay-kalakal ng delivery sa buong bansa ang mahigit 3.9 bilyong padala.
 

Kabilang sa datos na ito, sa araw ng Double Eleven Shopping Festival nitong Miyerkules, umabot sa 675 milyon ang kabuuang bilang ng mga hinawakang padala, at ito ay lumaki ng 26.16% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Ito ang pinakamataas na naitalang datos sa kasaysayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method