Pagbangon ng pamilihan ng konsumo ng Tsina, nagpapalakas ng kompiyansa ng mga dayuhang eksibitor sa pagpapalawak ng pamilihang Tsino

2020-11-09 16:33:52  CMG
Share with:

Kasalukuyang ginaganap sa Shanghai, Tsina ang Ika-3 China International Import Expo (CIIE).
 

Sa kalagayan ng kumakalat na pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, unang bumangon ang pamilihan ng konsumo ng Tsina noong ika-3 kuwarter.
 

Dahil dito, nagiging optimistiko ang mga dayuhang eksibitor sa nakatagong lakas ng pamilihan ng konsumo ng Tsina.
 

Nagugustuhan din nila ang pangangailangan ng Tsina sa pag-a-upgrade ng konsumo at bagong tunguhin ng konsumo, kaya magkakasunod na inilulunsad at itinatanghal sa CIIE ang mas maraming bagong produkto.
 

Ipinahayag ng mga eksibitor na patuloy silang magiging positibo sa pamilihan ng konsumo ng Tsina, at walang humpay na pag-iibayuhin ang pamumuhunan sa Tsina.
 

Salin: Vera

Please select the login method